Marinduque

Tara na't Bisitahin natin ang tinatago nitong ganda!

Heograpiya

Ang Marinduque ay isang pulong lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan sa Luzon. Ito ang pinakamaliit na probinsya sa Rehiyon IV-B o mas kilala bilang MIMAROPA. Boac ang kapital ng probinsyang ito. Nasa pagitan ng Look ng Tayabas sa hilaga at Dagat Sibuyan sa timog ang Marinduque. Matatagpuan ito sa timog at kanluran ng Quezon, silangan ng Mindoro, at hilaga ng Romblon.

"The Heart of the Philippines"

Hugis-puso ang pulo ng Marinduque na may layong pitong milya sa pangunahing pulo ng Luzon. Ito ay may sukat na 370 milya kuwadrado kung kaya ito ang ikatlo sa pinakamalaking pulo sa Filipinas. Nahahati sa anim na munisipalidad ang Marinduque. Kabilang sa mga munisipalidad ang Boac, Buenavista, Gasan, Mogpog, Santa Cruz, at Torrijos.

Big image