Mga Makasaysayang Pook ng Pilipinas

Rizal Park

Luneta ang dating tawag sa lugar na ito.

Matatagpuan sa Maynila.

Tinawag din itong Bagumbayan ng ating mga ninuno.

Dito binaril si Jose Rizal at dito itinayo ang kanyang bantayog.

Fort Santiago

Ang Fort Santiago sa Intramuros, Maynila ay isang kulungang napaliligiran ng pader noong panahon ng mga Espanyol.

Dito ikinulong si Dr. Jose Rizal bago siya binaril sa Luneta.

Dito rin niya isinulat ang tulang "Huling Paalam".

Malacanang

Sa Malacanang naninirahan ang pangulo ng ating bansa.

Ito ay matatagpuan sa San Miguel, Manila.

Dito nagpupulong ang pangulo at kanyang mga gabinete.

EDSA Shrine

Ang EDSA ( Epifanio delos Santos Avenue) ay makikita sa Lungsod ng Quezon.

Isang mapayapang rebolusyon ang naganap dito upang mapaalis ang dating Pangulong Marcos.

Dito rin naganap ang People Power 2 , na nagpaalis naman kay dating Pangulong Joseph Estrada.

Balik Tanaw sa Makasaysayang Pilipinas: Isang Makabuluhang Paglalakbay