SERBISYONG TOTOO

Cotabato Province e-Newsletter

Cotabato PDRRMC personal na maghahatid ng tulong sa mga biktima ni “Yolanda” sa Ormoc City

by: JIMMY STA. CRUZ

TUTUNGUHIN ng isang composite team ng Cotabato Provincial Disaster Risk

Reduction and Management Council (PDRRMC) ang Ormoc City sa lalawigan ng

Leyte sa Nov.18, 2013, Linggo, isa mga lugar na matinding hinagupit ng super typhoon

Yolanda na nanalasa sa bansa noong Nov.8.

Ayon kay Cot PDRRMC Head Cynthia Ortega, Ang composite team ay binubuo ng

mga employee-volunteers ng Cotabato Provincial government, mga tauhan ng Cotabato

Police Provincial Office at 602nd

and rescue operations at iba pa.

Dala ng composite team ang mga relief goods at iba pang uri ng tulong na ipinaabot

ng iba’t-ibang indibidwal at grupo matapos na manawagan si Cotabato Governor

Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ng tulong para sa mga sinalanta ni “Yolanda”.

Kasama sa relief ang mga nakolekta mula sa mismong mga empleyado ng Cotabato

Provincial government at mga donasyon mula sa iba’t-ibang mga munisipyo ng

Cotabato.

Kabilang naman sa relief goods ay mga pagkain at mga pangunahing pangangailangan

tulad ng bigas na sa pinakahuling bilang ay umabot na sa 250 sako, de-lata, noodles,

sabon, gamut, damit, pera at iba pa.

Lahat ng mga ito ay unang dumating sa covered court ng Cot. PDRRMC bilang

dropping center ng mga relief goods.

Kasama rin sa dadalhin ng composite team ang mga tulong na nalikom mula sa mga

negosyante, paaralan at iba pang mga may mabubuting loob na nagbigay ng tulong.

Bibiyahe ang PDRRMC sakay ng ilang trucks ng Cotabato provincial government at

ilang mga vans na ipinahiram ng mga pribadong kumpanya at agad na ipamamahagi

sa mga biktima ng super typhoon na hanggang sa ngayon ay hirap na hirap pa rin sa

tindi ng hagupit ni “Yolanda”.

Ayon kay Cotabato Provincial Health Programs Focal Person Jessie Enid,

nakapagsagawa na nang initial coordination ang kapitolyo sa mga local officials ng

Ormoc City para sa relief operation.

Napatun ayan na sa maraming pagkakataon na ang Cotabato provincial government

ay nanguna sa paghahatid ng tulong sa mga kababayang tinamaan ng matinding

kalamidad.

Ilan rito ay noong nanalasa ang mga bagyong “Ondoy”, “Sendong” at “Pablo” kung saan

libo-libong tao ang natulungan sa kanilang pagbangon. (jimmy sta. cruz/pgo-cot)



READ MORE